Chapter 22

336 17 1
                                    

Chapter 22: Mock Battle

NANG magtagumpay si Elaine na makuha ang mga baril, lumayo siya at tinabihan sa pagtayo si Cahira. Ngumiti pa siya na nagpakulo ng dugo ng mga bandit kaya mas lalo itong nainis at agad na sinugod siya. Agad din lumayo ang ilang mga customer sa tavern at ang iba'y lumabas.

Nang may susuntok na kay Elaine, nagdadalawang isip siya kung gagamit siya ng mahika para mapatumba ang mga ito. Ngunit magkakaroon ng piligro ang pagbabalat-kayo niya.

Kapag natalo ko sila sa isang iglap, maaari itong malaman ng emperor at mapagkamalan na naman akong nasa Eastern Land. Ngayon na nga lang nakapasok si Diego, papaalisin ko ulit? Nah. . . pagkakausap niya sa kanyang isipan at ang parating na suntok ay agad niyang iniwasan. Inambahan niya ito ng suntok ngunit nakalimutan niyang hindi batak ang kanyang katawan sa pagpapalaki ng kalamnan. Isa siyang dalagang petite na umaasa sa kanyang mana.

"Ah— forgot." Nagtatakang tumingin sa kanya ang bandit dahil parang kagat lang ng langgam ang natanggap niya sa suntok ng dalaga. Ngumisi pa siya at tumingin kay Elaine na kinakabahang tumawa.

Mukhang kailangan kong gumamit ng mahika, sa isip-isip niyang muli at gagamit sana ng mahika ngunit huli na ang desisyon niya dahil paparating na ang suntok ng isang bandit sa kanya. Mabilis ang pangyayari. Ang nakita niya na lamang ay ang pagbulagta ng bandit at nasa harapan niya na si Rick na nakayukom.

Umatras na siya dahil sa pag-usog ni Cahira sa harapan niya at hawak-hawak nito ang isa pang bandit na pinagsusuntok nito sa mukha.

Wala nang nagawa si Elaine kung hindi ang umupo't kumuha ng beer sa iniwang lamesa ng ilang customer dahil sa kaguluhan. Bago pa siya makainom, tumalsik na sa gilid niya ang isang bandit at nadali ang beer na hawak niya.

"Na naman!" reklamo niya at tumingin kay Rick na sinadyang hindi na naman siya painumin ng beer.

Nanood na lamang siya kung paano pagsusuntukin nila Cahira at Rick ang iba pang bandit. Hanggang sa ang leader ng mga ito ay sumigaw nang tumakas na at hinayaan nila itong lumabas sa tavern.

Pumalakpak si Elaine at ngumiting lumapit sa dalawa.

"Good job, team," saad niya. Humarap sa kanya ang dalawa at may lumapit na isang bartender na galit at nakapamewang na nakatingin sa kanila.

"Bayaran niyo ang pinsalang ginawa niyo sa bar namin!" inis na saad nito at nanghihinging winasiwas nito ang mga palad sa kanila.

Nakita ni Elaine kung paano napinsala ng dalawa ang mga lamesa't upuan sa kanilang paligid, ang mga basag na plato't babasaging inumin, at ang pader na pinagtasilkan ng isang bandit.

Kaya pala tumakbo ang mga ungas na 'yon, sa isip-isip ni Elaine at may kinuha sa bulsa na isang supot na naglalaman ng ilang pilak. Binigay niya ito sa bartender at tinawag ang dalawa upang umalis sa Black Tavern.

Nang makalabas, naabutan nila si Twilight na nakasandal ang likod sa puno. Nang mapagtanto nito ang paparating na presenya nila Elaine, tumingin ito sa kanila.

"Dahil isa na sa 'tin si Rick, makakapagplano na tayo ng walang inaagrabyadong mga alang tao sa South-West Land pero bago iyon, dalhin mo kami sa liblib na lugar ng kagubatan para makapag-usap ng masinsinan," bungad ni Elaine kay Twilight na agad namang sinunod nito.

Ang sunod na nilang napagtanto ay nasa madilim na silang kagubatan. Kumuha ng ilang mga tangkay ng puno si Cahira at sinindihan ito ni Elaine gamit ang fire magic. Ngayon, naging isang bonfire ang kanilang eksena. Nakaupo sila sa mga troso na pinagkukuha rin ni Cahira sa tabi-tabi. Magkakahiwalay ang kanilang pwesto para hindi rin sila magkailangan sa isa't isa. Ngunit wala sa bokabularyo ni Cahira na lumayo sa tinuring niyang goddess. Hinayaan na lang ito ni Elaine at nagsimulang magpulong sa magaganap na misyon.

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now