Chapter 14

286 18 1
                                    

Chapter 14: Types of Mages

"ALUMA? One of the Cardinal Lords, right? Nice meeting you, Lord of the Sun," magalang na sambit ng isang maharlikang binata, "My name is Klev. Son of Marquis Arlo, my lady."

Naka-crossed legs na nakaupo si Aluma sa gilid ng masquerade ball. Ayaw niyang gumawa ng issue lalo na't mula siya sa South-West Land. Kung maraming kalalakihan na nais siya, marami ring kababaihan na ayaw sa kanya.

"Bakit ba maraming gusto siyang makasayaw?" bulong ng isang dalagitang may takip na pamaypay sa kanyang bibig. Pangalanan natin siyang Marites 1.

"Mga taga South-Western nga naman! Tingnan mo makaupo! Kinulang sa etiquette," bulong naman ng isa niyang kasamahan. Pangalanan natin siyang Marites 2.

Natigil lang ang kanilang pinag-uusapan nang dumaan sa harapan nila si Lady Freya. Nakasuot ito ng kulay berdeng fitted na gown at sumabay ang kulay nito sa masqurade mask na suot.

Agad yumuko ang dalawang marites at napatitig sa escort nitong si Noah Artois. Halos mahulog ang kanilang panga sa taglay na karisma ng binata. Kulay itim at puti ang tuxedo nitong suot, at kahit hindi binigyan pansin ang pag-ayos sa buhok, sapat na ang magandang hulma ng panga, ilong, ang bibig nito para bumagay siya sa masquerade ball. Kahit nakamasqurade mask na itim, sariwa sa panlasa ng mga kababaihan ang mukha nito.

"Kung ganito lang kagwapo ang mga bata sa South-Western, kaya kong isuko ang perlas ng silanagan!" may kilig na sambit ni Marites 1.

"Sinabi mo pa! Magaling talaga pumili si Lady Freya. Tama ngang siya'y mula sa royal family." - Marites 2.

Sobra kung makadikit si Freya sa braso ni Noah. Nakapulupot ang kanyang mga braso at tila sinasadyang idikit ang dibdib nito sa binata.

Lihim na lang na napapangiwi si Noah. Kung may kakayahan lang siyang palayasin ang dalaga, kanina niya pa ito ginawa.

Napatigil sa paglalakad ang dalawa at napatingin kay Aluma na ngumisi sa binata. Isa iyong insulto na kinasama ng damdamin ni Noah. Sinamaan niya rin ito ng tingin at nilisan si Aluma.

"First time mo lang ba sa Masquerade ball?" malambing at nang-aakit na sambit ni Freya. Mas diniinan pa nito ang kanyang dibdib na hindi na kayang palampasin ni Noah.

Pilit na humiwalay si Noah na kinasama ng loob ni Freya. Magwawala sana ang dalaga ngunit agad niya namang hinawakan ang kaliwang pulso nito.

"This is my first time," pagsisinungaling niya.

Malawak na ngumiti si Freya at bahagya siyang nagtaka nang makita sa malayo si Cahira na nagmamanman habang may hawak na tsokolateng kinakain nito.

"Cahira?!" mahinhin niyang tawag na kinalingon naman nito sa kanya.

Maikling ngumiti si Cahira at lihim na tumingin kay Noah na nakatingin din sa kanya.

"Lady Freya and Lord Noah," bati ni Cahira at yumuko. "Salamat sa imbetasyon mo. Kinagagalak ko iyon."

"Wala 'yon! Sino-sino ba ang magtutulungan kung hindi'y tayong mga magaganda lang?" mahinang natawa si Freya at hinanap ng mata niya ang laging kasama nito. "Nasaan iyong master mo na mukhang katulong?"

Sila Noah at Cahira ay mabilis na napatingin sa kanya. Sa hindi malamang kadahilanan, nakaramdam siya ng mabigat na awra na kinataas ng kanyang balahibo.

"A-ahh may p-problema ba?" kinakabahan niyang tanong.

Lumihis ng tingin si Noah habang ngumiti naman si Cahira.

"Umalis na siya rito dahil hindi niya kinakaya ang panghuhusga sa kanya," dahilan ni Cahira at uminom ng wine habang nakamasid kay Emmanuel na sa dako'y may kausap.

I'm a Ghost in Another World 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang