Chapter 8

341 21 1
                                    

Chapter 8: New Ally

SA BLACK Tavern, umupo si Elaine at Cahira malapit sa counter. May ilan napatingin sa kanila ngunit sinawalang bahala sila ng mga ito.

Para kasi sa mga customer, normal na may mga dayuhan na pumasok dito. Napapasulyap lang sila upang makita kung kilala nila ito.

May tumapat na waiter kanila Elaine at Cahira, at nagtanong,  "Ano pong order nila?"

"Two beers," maikling sagot ni Elaine.

"Okay."

Nang umalis ang waiter, lihim na tumingin si Elaine sa paligid.

Marami ang customer dito at karamihan sa kanila, mga adventurer. Ang paligid ay may katamtamang ingay para sa mga nag-uusap. Ang dimlight na binibigay ng gemstones magkabilaan, sa bawat sulok, ay ang nagpakalma sa kanya. Masarap din tingnan ang kabuuan ng tavern dahil gawa lamang ito sa simpleng bato at kahoy.

Ang lahat ng napagmasdan ni Elaine ay sinawalang bahala niya agad nang maalala kung ano ang pakay niya sa lugar na ito.

"Observe and be on your guard, Cahira," paalala niya kay Cahira.

"Opo, goddess."

Pakubang pumahalumbaba si Elaine sa counter at tiningnan si Cahira na nakadekwatro't nakalingon sa ibang direksyon. Tumingin siya sa waiter na papalapit sa kanila. May hawak itong server tray na nakapatong ang dalawang beer na in-order niya.

Masayang tumapat ang waiter sa dalawang dalaga. "A beer for—" Bago niya pa abutin ang beer kay Elaine, bigla itong inagaw ng bagong dating na lalake sa tabi ng dalaga.

"Me," sambit ng lalake at ininom ang beer.

Tumingin ang waiter kay Elaine. Bumuntong-hininga lang ito at mahinang winasiwas ang kanang kamay, basehan para hayaang kunin ng lalake ang nakalaang beer para sa dalaga.

Binaba ng waiter ang huling beer kay Cahira at umalis. Ininom naman agad ito ng dalaga at nirolyo ang mga mata nang mapansin ang bagong dating.

"Where's the data broker?" tanong ni Elaine sa katabing lalake na si Twilight.

Uminom muli ng beer si Twilight at umupong humarap sa pintuan ng tavern.

"He's here already."

Naramdaman ni Elaine sa sixth sense ang galaw ng data broker. Hindi niya maaasahan ang magic sense dahil wala siyang maramdaman ditong mana.

Hindi niya nilingon ang data broker dahil wala siyang interes dito.

Ang data broker ay isang taong ginagawang negosyo ang pagbigay ng impormasyon na nais ng tumatangkilik sa kanila. Inutusan kanina ni Elaine si Twilight na maghanap ng taong magbibigay sa kanila ng impormasyon at babayaran niya ito ng malaking halaga.

Tumingin si Elaine kay Twilight na nakangisi sa data broker.

"Ikaw ba si alyas Rick?" tanong ni Twilight. Hindi siya sinagot ng data broker na si Rick. Bagkos ay nagtanong ito.

"Magkano ang patong?"

Napalingon si Elaine dahil sa malalim at animo'y robot nitong boses, at tumambad sa kanya ang isang matangkad na lalakeng nababalutan ng itim na cloak ang katawan at hood sa ulo nito. May maskara itong plain white na may dalawang butas para sa mga mata nitong kulay asul. Ito ang nagsisisilbi proteksyon ng data broker para sa mga kliyenteng katulad niya. Karamihan kasi sa mga ito, bigatin at illegal. Baka madamay pa siya.

"Name your price," sambit ni Elaine. Tumalikod siya at muling pumahalumbaba sa counter. Mahina siyang bumuga ng hangin dahil sa pagbagot. Natahimik kasi ang paligid dahil sa tagal sumagot ni Rick.

I'm a Ghost in Another World 2Onde as histórias ganham vida. Descobre agora