Chapter 15

276 16 3
                                    

Chapter 15: Vacation

KINAGABIHAN, nagtipon-tipon sila Elaine, Twilight, at Cahira sa silid ng dalawang dalaga. Nakaupo sila sa sofa at may tag-isang tasa na naglalaman ng tsaa, gawa ito ni Cahira na paborito nilang lahat. Nakadekwatrong hawak-hawak ni Elaine ang isang liham na mula kay Emmanuel. Binabasa niya ito at pagkatapos ay binato ito sa mesang pumapagitna sa kanila. Humalukipkip siya at bumuntonghininga.

"Akala ko'y tinakwil niya na ang South-West Land. Naplano niya rin pala ito para mabigay impormasyon sa atin," sambit niya at ngumiti. Kahit papaano, natanggalan siya ng tinik sa puso noong nangyari ang meeting sa Masquerade ball.

Nilalaman ng liham kung paano nadetalye ni Emmanuel ang mga nakalap nitong impormasyon kay Emperor Ark. Pinadala niya ito sa kapatid na si Risse Adar at pinakiusapan na ibigay sa mga magulang ni Elaine.

"Mabuti't nakuha mo agad ang liham. Alam kong hindi lang ikaw ang nagbabantay sa liham na ito, Twilight," dagdag pa niya at pinanliitan ng tingin si Twilight.

Ngumiti ang binata at humigop ng tsaa. "Yes your majesty. I saw her and I trick her like a brainless kid."

Mahinang natawa si Elaine. "Good Job."

Isa na namang ngiti ang gumuhit sa mukha ni Twilight na nakalimutan nilang isa ito sa Cardinal Lords. Sa hindi malamang dahilan, mas nag-enjoy pa ito sa serbisyo para kay Elaine kaysa maging citizen ng Hakkun Kingdom.

Ang isang nagbabantay ng liham ay si Keyl ngunit dahil mas mautak si Elaine at mabilis na nakapag-isip sa sitwasyong marami siyang impormasyon na nakalap, nautakan niya ang planong pagmamanman kay Emmanuel sa tulong ni Twilight.

Lihim na ngumiti si Elaine at humigop ng tsaa.

Dahil nagtiwala pa rin ako sa 'yo kahit sinabi mong walang kwenta ang South-West Land, nagtagumpay akong hindi ka mabuking nila. Can I reward myself?Sa isip-isip niya.

Kinuha naman niyaang isa pang liham at binasa ito. Habang binabasa, napapakunot ang kanyang noo.

"Atat yata sila sa disesyon ko. Gusto nilang malaman kung maaari na ba silang maglabas pasok sa lupain ko. Ito ang nais nila. Panakip-butas lang ang sinasabi nilang business proposal sa mga negosyante natin," seryosong sambit ni Elaine at winagayway ang liham at pagkatapos, nagliyab ito at naging abo na hinangin ng ihip ng hangin. "Dahil din dito, naging matagumpay ang pagbabantay ni General Equinox. Matindi siyang mangalaga at magprotekta na mismong mga nais na kumalaban sa atin ay hindi umubra sa kanya. I will reward him next time when I meet him."

"Goddess." Lumapit si Cahira kay Elaine at inabutan ito ng liham. "Nagpadala sa akin ng sulat si Rain at Summer at maayos naman ang kanilang pag-alaga sa Kastilyo ng Countess."

"That's good to hear. Lahat ay masigasig sa mga trabaho nila," masayang sambit ni Elaine at tumingin sa isang maliit na kalendaryo. "Mukhang pati ang panahon ay umaayon sa 'tin."

"Anong pasya niyo, your majesty?" tanong ni Twilight na naubos na ang tsaa kaya nilagay niya ito sa mesa.

Napahawak sa baba si Elaine at malalim na nag-isip.

"Kung tatanggihan ko ang liham na pinadala ni Emperor Ark, hindi ito aayon sa plano niya. Kahit alam niyang nakapaligid lang tayo sa lupain niya, wala siyang ginagawang aksyon para hanapin tayo," malakas niyang sambit.

"He's clueless in your existence here, your majesty. Kaya nahihirapan silang hanapin ka," mungkahi ni Twilight.

"Maybe? Isa rin ito sa dahilan para malaman nilang nasa South-West Land ako at hindi gumagala sa lupain nila. Pero hindi natin pwedeng isawalang bahala na parte ng plano niya na hindi siya umaaksyon basta-basta. Kung noon, wala pa ako, ngayon na nadito na ako, maingat na siya magdisesyon. May plano siya na hindi natin alam kaya huwag tayo makampanti."

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now