Chapter 9

352 22 0
                                    

Chapter 9: The Gorgeous One

NANATILING nakatago sila Elaine sa likod ng mga baging. Para mas ligtas ang kanilang pagpupulong, ginamit niya ang anti-magic barrier sa paligid nila. Namangha si Noah dahil sa kakaibang mahika at napalunok naman sa tensyon nang maramdaman ng lubusan ang nakapaloob na mana kay Elaine.

Her aura is dense but serene. Ano kayang spell ang ginawa niya para hindi ko maramdaman ang awra niya? Sa isip-isip ni Noah at tumingin kay Elaine na nakangiti sa kanya. Bumaling naman siya kanila Twilight at Aluma na hindi nababahala sa awra nito.

"I sense your presence, goddess. You're magnificent!" manghang sambit ni Cahira at tumingin kay Elaine na animo'y kumikinang ang mga mata.

Mahina lamang na tumawa si Elaine at bumalik ang tingin kay Noah.

"Kung gusto mong malaman, anti-magic barrier ang tawag sa pag-conceal ng awra ko. Ngayon, nasa loob tayo ng barrier dahil baka may mga sensitibong magic sense ang nakaramdam sa 'yo papunta rito," sambit ni Elaine at pinadyak ang paa kasabay nang pag-angat ng bato sa lupa sa bawat likod ng kasamahan niya.

Palihim na namangha si Noah at Cahira, at sabay-sabay silang umupo sa nilikhang mahikang bato.

"Anong sadya ni King Zhel kung bakit nagpadala siya ng espiya para sa exchange student?" tanong ni Elaine.

"Dahil direktang napupunta ang impormasyon sa 'yo, kamahalan, pinadala niya ako rito para sa sarili niyang impormasyon," sagot ng binata.

"Paano mo ako nakilala?"

"Sinundan ko lang po si Aluma at narinig ang ilang usapan na ikaw ang aming emperor."

"Hmm. . . I see." Napahawak sa baba si Elaine at sumulyap kay Aluma.

Kumunot-noo si Noah at mayamaya'y nanlaki ang mata dahil sa pahiwatig na tingin ni Elaine. Bigla niyang niluhod ang kaliwang paa at yumukong nahihiya.

"Huwag niyo pong sisihin si Aluma, kamahalan. Wala po siy—"

"We knew all along," biglang sabat ni Aluma na kinatigil ni Noah, "Hinayaan lang kita, utos 'yon ni Emperor Elaine."

Dahan-dahang umupo si Noah habang tinitingnan isa-isa ang mga kasamahan. Nahihiya siya't ninenerbyos dahil sa mga ginawa niya.

"I'm sorry for doubting your grace, your majesty," paumanhin muli ni Elaine na mahinang tawa ang tinugon.

"Sobrang galang mo naman. Huwag kang mag-alala, kailangan kita para ipadala ang mga nais kong mensahe kay King Zhel." Tumingin si Elaine kay Twilight na tumango't tumayo. "Mabalik tayo sa agenda. Any report?"

"Ayon kay Guardian Cielle, nagbigay ng sulat si Emperor Ark sa kanya," sambit ni Twilight at may inabot na sobre kay Elaine.

Binuksan ito ni Elaine at nabasa ang nilalaman nito tungkol sa nais ni Emperor Ark. Dahil sinawalat nila sa publiko ang peace agreement, humihiling ito na pumayag siyang aprobahan ang pag-export nila ng mamahaling bato sa Southwest Realm.

Agad naiyang sinara ang sobre at nagsimulang magliyab ito hanggang sa maging abo. Napahawak siya sa kanyang baba at malalim na nag-isip.

"Anong pinaplano niya?" mahina niyang sambit na sapat na ang katahimikan sa paligid para marinig ito ng iba pa niyang kasamahan.

Humarap siya kay Twilight at nagdugtong ng salita, "Anong ginawa ni Cielle tungkol dito?"

"Naglunsad siya ng pagpupulong sa Royal Hall. Karamihan ay pumayag sa nais ni Emperor Arkish ngunit may nanatiling neutral at tutol dito. Bago hatulan ni Cielle ang mga opinyon ng mga matataas na opisyal, nais niyang marinig ang saloobin mo at ikaw na raw ang humusga."

I'm a Ghost in Another World 2Where stories live. Discover now