1

1.5K 28 2
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 1
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


"Ano?!"


Inis kong tinignan si Guen dahil sa sinabi niyang bad news. Parang gusto kong ipakain sa kanya ang mga papel na nasa ibabaw ng lamesa ko dahil sa sobrang inis. Kulang yata ang salitang inis dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya. 


Sobrang nakaka-putangina!


Ang ganda-ganda ng araw ko kanina pero nang dahil sa binalita niya sa akin ay gusto ko siyang sakalin! Nakakainis! Tanginang lalaking ‘to! 


"Tangina mo ka ba?!" Nanggagalaiti na sambit ko. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang kalabuhin. Lahat-lahat gusto kong gawin sa kanya para lang maibsan ang pagkainis kong nararamdaman sa kanya. "You are the one who ordered me to do an article about Mr. Tampungan! Tapos pababayaan mo ko! Eh, gago ka palang tangina mo!"


"I'm sorry, Raine," sambit niya at napayuko.


Sorry? Gague nga talaga siya! Anong magagawa ng sorry kung makukulong ako? Paano na lang ang pamilya koo kung sakaling makulong nga talaga ako? Buti siya walang iniisip na buhayin dahil mayaman siya gago nga lang. Wala pang kwenta.


"Gago ka! Wala kang bayag! Hindi ka lalaki! Bakla ka! Baklaaaaaaa!" sigaw ko dahilan para mapaangat siya ng tingin sa akin. Masama na ngayon ang tingin niya. Dapat ko lang sabihin iyon sa kanya dahil totoo naman.


Boyfriend ko siya pero dahil sa ginawa niya sa aking pagbabaya sa akin ay hindi ko na siya boyfriend. Nakakagago siya, eh. Siya ang boss ko sa pinagtatrabahuhan kong gumagawa ng article at empleyado niya ako.


Hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinagot. Eh, pabaya naman siyang boyfriend. Hindi kami match na dalawa. Pero dahil mahal ko siya ay nagbulag-bulagan ako. Pisteng pagmamahal na iyan, magmamahal na nga lang ako doon pa sa walang kwentang lalaki. Wala siyang isang salita!


"What did you say?!" galit niyang tanong.


"Ang sabi ko wala kang bayag! After you ordered me to write about Mr. Tampungan that you didn't even have his consent so he filed a case against me tapos pababayaan mo 'ko! Gago ka ba!"


Ngumisi siya sa akin. "Sorry. . . work-work lang. Pera-pera, ganun."


Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Work-lang lang? Pera-pera? Putangina niya! Hindi ko tuloy alam kung saan ako hahagilap ng abogado na magdedepensa sa akin para lang hindi ako makulong.


Kung makakahanap man ako, saan naman ako kukuha ng money pangbayad?


Sa tutuusin ay siya ang may kasalanan ng lahat at hindi ako. Akala ko naman ay dadamayan niya ako dahil sa problema kong ito tapos iiwanan niya lang pala ako sa ere? Bakla nga talaga siya! Iniiwan niya ang mga taong nangangailangan ng tulong sa kaniya lalo na't magkarelasyon kaming dalawa.


Magkarelasyon nga kaming dalawa pero kapag may problema ako ay hindi niya ako magawang damayan. Hindi ako makapaniwala na iiwan niya ako sa ere.


"Ito ang tatandaan mo, Guen!" Dinuro ko siya at tinignan siya ng mariin ngunit wala siyang ginawa kundi ang ngisian ako. "Kapag ako nakulong, ipapakulong din kita. Sasampahan din kita ng kaso dahil ikaw naman ang may kasalanan ng lahat at sa akin mo binabatong pota ka!"


Ilang beses na akong nakapagmura dahil sa inis pero wala akong pakialam. Galit ako kaya sasabihin ko ang alam ng gusto kong sabihin. Wala akong pakialam kung boss ko siya, magq-quit naman na ako.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now