17

586 12 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 17
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

“Get changed and we'll go somewhere.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni baliw. Magaling na ako kaya nandito ako sa may tabi ng swimming pool ng resthouse niya. Yes, nandito kami sa may resthouse niya sa Antipolo. Hindi ko alam kung bakit kami nandito at hindi kami bumalik sa bahay niya sa Manila.

Ang gaganda ng mga bahay niya kahit saan niya ako dalhin. Sobrang yaman niya talaga. Sinunod niya ang deal namin. Bawat week siya nagpapadala ng pagkain ta pera sa pamilya ko. Nakikita ko lang ang pamilya ko sa kinukuhang larawan ng mga tauhan niya.

Sinubukan kong in-open ang topic na bakit kami paalis-alis sa iisang bahay ngunit iniiwasan niya lang o ‘di kaya ay hindi niya sasagutin. Madalas niyang hindi sagutin ang bawat tanong ko. Naiinis ako pero ano naman magagawa ko kung ayaw niyang magsabi o sumagot? Nililigawan na niya ako kaya may karapatan akong kilalanin siya kaso hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon para kilalanin siya.

Pagdating sa pagkatao niya ay nagiging pipi siya. Hindi siya nagsasalita. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa kilala ang magulang niya although same naman kami. Hindi ko pa din siya naipapakilala. Ngunit kapag pinayagan niya akong makapunta sa amin ay ipapakilala ko rin siya. Bukod sa kaibigan niya ay iyon lang ang kilala ko na malapit sa kanya.

“Saan naman tayo pupunta?” tanong ko.

Sabagay mga ilang araw na rin naman na kami hindi nakakalabas ng bahay dahil hanggang sa gumaling ang sugat ko ay nandito lang kami sa bahay at hindi lumalabas. At habang nagpapagaling ako ay siya naman walang ibang ginawa kundi ang landiin ako at alagaan.

“Ipapasyal kita.”

“Saan naman?” tanong ko ulit at pumunta ng closet para pumili na ng susuotin ko. Syempre, excited ako. Dahil makakalabas na naman kasi ako. Nang may napili na akong susuotin ko at lumabas na ako sa closet room. Akmang magpapalit na ako sa banyo nang pinigilan niya ako.

“Don't dress like that,” anas niya.

Napairap ako. Siguro ay maraming tao ang pupuntahan namin kaya ayaw niya akong pasuotin ng dress. Kabisado ko na siya. Kapag kaming dalawa lang sa pupuntahan namin ay alam kong hahayaan niya akng magsuot ng mga sexy ganun at kapag maraming tao ay ayaw niya akong pagsuotin ng mga sexy na damit.

Kahit naman magsuot ako pang-sexy ay alam kong wala akong makukuhang intensyon ng ibang tao at kung meron man, pakialam ko naman sa kanila? Ba't pa ako maghahanap ng iba komung may Ed na akong baliw?

“Hala! Magpa-spa tayo? Yehey! Ang tagal ko na rin hindi nagpapalinis ng paa at kamay. Gusto ko ng bagong design sa mga nails ko,” masayang anas ko dahil dinala ako ni baliw sa may scenery spa.

“Hey, careful, pumpkin,” paalala niya ng muntik na akong madapa dahil sa kakamadali ko. "Madulas d'yan."


Hindi ko siya pinansin at naglibot-libot muna ako sa paligid. Naaaliw ako sa paligid, nakaka-relax dito. Ang dami niya talagang alam puntahan na magagandang tanawin na magugustuhan ko. Kilalang-kilala na niya ako tapos siya hindi ko pa rin kilala. Ang ilap niya kasi sa pagkatao niya, hindi naman ako nanghuhusga.

Pakiramdam ko bawat tanong ko sa kanya about his life, kinakabahan siya. Natatakot kumbaga. Pero bakit? May tinatago ba siya?

"Ang ganda rito," anas ko.

"Do you want to borrow my phone?" tanong niya sabay abot ng phone niya sa akin. Napatingin ako roon at hindi alam kung kukunin ko ba o hindi. Nagugulat ako at pinapahiram niya sa akin ang kaniyang cellphone. "Sige na, kunin mo na then take a photo of the beautiful scenery."

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now