10

874 18 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 10
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

"Hey!"

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses niya na akong tinatawag pero hindi ko talaga siya pinapansin. Ewan ko ba, kaya ko siyang tiisin na hindi pansinin pero hinahanap ko ang presensya niya kapag hindi ko siya nakikita. Nababaliw na ako 'no? Kanina pa niya ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin. Ang tanging kinakausap ko lang dito ay si manang.

Si manang lang kasi ang mabait sa akin dito. 'Yung mga iba kasing katulong na babae ay halos patayin na nila ako sa masamang tingin nila sa akin. Siguro ay babae niya lahat iyon kaya ang sasama ng tingin sa akin. Lahat yata ng babaeng nakadikit sa kanya ay naging kaharutan niya o baka naman sadyang gwapo lang talaga si baliw kaya ang daming nagkakagusto sa kanya?

Bakit ko ba iniisip iyon? Kainis naman! Pakialam ko ba kung babaero iyang baliw na iyan?

"Pumpkin, we're going to eat," saad niya.

Eh, 'di kumain ka! Pakialam ko! Ayaw ko pang kumain, ayaw kong makita ang pagmumukha mong, bwisit ka! Naiinis talaga ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Kaya siguro ako ganito ay magkakaroon na ako. Kaya madali akong mairita. Ramdam kong lumapit pa siya sa akin pero hindi ko pa din siya tinignan. Nag-aayos ako ng damit ko sa closet. Nagulo ko kasi.

"Pumpkin. . ." Tawag niya sa akin na para bang nauubusan na siya ng pasensya.

"Ayaw ko ngang kumain," sambit ko at umirap. "Kung nagugutom ka. Kumain ka na lang. Huwag mo akong kulitin. Huwag mo akong guluhin."

"You haven't eaten since earlier," naiinis niyang anas.

"Paki mo ba?"

Rinig kong napabuntonghininga na lamang siya at wala siyang nagawa kundi ang umalis sa kwarto. Napaawang pa ang bibig ko ng malakas niyang sinara ang pinto. Anong nangyari doon? At nagdadabog siya? Baka batuhin ko pa siya, eh. Huwag niyang sabayan ang pagkairita ko at baka mas lalo lang akong mainis sa kanya.

Wow, ah? Siya pa ang galit. Bwisit siya!

Dapat nga ako, eh. Kasi sinigawan niya ako at sa harap pa talaga ng mga kaibigan niya. Kung sisigawan man niya ako sana 'yung kaming dalawa lang at walang makakarinig. Pero wala, eh, sinigawan niya ako. Wala na dito ang mga gwapo niyang mga kaibigan dahil ng huli kong kita sa kanila ay tinaboy sila ni baliw.

Hindi na din ako makalabas ng bahay dahil ayaw niya akong palabasin. Ni pumunta man lang kahit gate ng bahay ay hinid niya akoo pinapayagan. As in kahit doon lang para makalanghap ako ng hangin at paglaruan ang mga flowers doon. Bored na bored pa naman na ako. Tinopak na naman ang baliw. Hindi ko siya maintindihan.

As in hindi talaga. Minsan malinaw siya, minsan malabo. Mix signal ang baliw! Napanguso ako. Wala yata siyang balak na suyuin ako. May kasalanan siya, eh.

"At bakit ako magpapasuyo sa kanya?" tanong ko sa sarili ko. "May kami ba? Wala naman, ah? Self, ano na naman ba 'to?"

Aasa na naman ba ako nito? Susundin ko na naman puso ko? Napahilot na lang ako sa aking sintido. Bahala na talaga. Bahala na, kung ano ang magiging desisyon ng tadhana para sa akin, g ako. Wala naman kasi akong magagawa pa, nahulog na ako.

Nang matapos ko ang pagtitiklop ko ay humiga ako sa kama. Pakiramdam ko ay sobra akong na pagod kahit nagtitiklop lang naman ang ginawa ko. Nag-ayos lang naman kasi talaga ako ng damit. Maya-maya ay biglang kumalam na naman ang tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ang tiyan ko. Hindi pa talaga ako kumakain ng tanghalian at agahan.

"Dapat na ba akong bumaba at kumain?" tanong ko na naman sa sarili ko. Gusto kong bumaba pero tinatamad ako. Gusto ko lang humiga sa kama magdamag. Nasa ganun akong posisyon ng naramdaman kong lumubog ang gilid ng kama.

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now