29

501 11 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 29
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Mama, sa bahay na rin po ba uuwi si Papa?”


Natigilan ako sa tinanong ng anak ko. Abala ako sa pag-aayos ng gamit ni Lew ng biglang itanong iyon ni Lai. Ngayong araw kasi ang labas nilang dalawa ni baliw. Pati si Will ay napaigil din sa ginagawa niya. Busy din siya s apag-aayos ng gamit ng Kuya niya.


Ang mga bata ay nakaupo sa sofa habang kasama nila ang Papa nila. Nagkukwentuhan lang sila kanina hanggang sa nagtanong si Lai sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko o isasagot ko. Kung sa bahay namin siya, saan naman siya matutulog doon? Tatlo lang ang kwarto namin.


Pwede rin naman at tabi sila ni Will sa isang kwarto o doon siya matulog sa kwarto ng mga bata kung gusto niyang makatabi ang kambal.


“Hindi, anak. Uuwi na siya sa bahay niya,” anas ko at umiwas ng tingin.


“Hindi makakauwi roon si Kuya. Pinapaayos niya ‘yung bahay niya,” singit ni Will. “Para kasing may dumaang bagyo sa loob kaya magulo.”


“Eh, ‘di linisin mo,” inirapan ko siya. Napangiwi siya sa sinabi ko. “Tutal kapatid mo siya. Tulungan mo siyang linisin ang bahay niya o kung ayaw mo patirahin mo sa bahay mo ang baliw mong kapatid.”


“Ma, doon na muna kaya si Papa sa bahay natin habang nagpapagaling siya? Tapos kapag magaling na siya ‘tsaka mo siya paalisin,” natawa si Will sa sinabi ni Lew. Kahit ako ay natawa rin. Akala ko ay pagpipilitan ng anak kong sa bahay namin na lang tumira ang baliw nilang Papa.


Wala naman kaso sa akin kung sa bahay siya tutuloy pero natatakot ako na baka kaunting suyo lang ng magaling nilang Ama ay bumigay ako. Kaya hangga’t maaari ay ayaw kong magkasama kami. Alam kong marupok ako kaya aayw ko na maging ganon ulit.


“Eh, ‘di patirahin mo ang kapatid mo sa bahay mo,” anas ko. Pilit na ayaw patirahin siya sa bahay namin


Kumunot ang noo ko ng kumamot sa ulo si Will at napangiwi. “Benenta ko na ‘yung bahay ko.”


Nanlaki ang mata ko. “Ano?!”


“I have sold my house. Don't you notice? That's why I always sleep at your house because my things are already there.”


Gulat ko siyang tinignan. Kaya pala gabi-gabi na siyang nandoon sa bahay namin kasi benenta na niya ang bahay niya. Akala ko kaya lang siya nandoon dahil nag-aalala siyang walang nagbabantay sa mga bata. Iba pala ang dahilan ng baliw na ‘to. Aba, ang galing! Hindi ko man lang alam. 


“Siraulo ka ba?! Bakit mo benenta?!” Bigla akong nainis sa kaniya.


Ang ganda kasi ng bahay niya na condo kaya bakit niya benenta? Nakapunta na ako roon at as in ang ganda. Kung malaki-laki nga lang ang sweldo ko ay doon ko na rin gustong tumira.


“Ang mahal kasi, kaya para makatipid ako ay nagdesisyon akong sa bahay mo na lang ako tumira,” nakangising sabi niya.


Kinuha ko ang unan at binato ko sa kaniya. Umilag naman siya. Inis akong lumapit sa kaniya at sinabunutan kaya dumaing siya sa sakit. “Bwisit ka! Natira ka na pala sa bahay tapos hindi ka man lang nag-aambag sa bayarin doon!”


Natatawang inaalis niya ang pagkasabunot ko sa buhok niya pero hindi ako nagpaawat. “A-Ate, masakit. T-Tama na! Kaya nga ako sa bahay mo tumira para makatipid ako.”


“Bwisi—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng may nag-alis ng kamay ko sa buhok ni Will. Napaawang ang oral ko ng makita kung sino iyon. Seryoso ang mukha niya at halatang hindi gusto ang ginagawa namin ni Will.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now