23

389 14 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 23
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Ate—”


“Ayaw ko siyang makita at makausap, please!” sigaw ko ng biglang pumasok si Will sa kwarto ko.


Ilang araw na akong hindi pumapasok sa trabaho. Si Will ang nakikipag-usap sa boss ko about sa hindi ko pagpasok sa trabaho. Ilang araw na rin akong nakakulong sa loob ng kwarto at walang kinakausap kahit ang mga anak ko na paulit-ulit na pumapasok para lang kausapin ako.


“I'm not forcing you, Ate. All I want to say is, don't let the trauma he caused you consume you again,” saad nito. “My nephews are very worried about you.”


I closed my eyes tightly. Hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa rin kung paano niya patayin sa harap ko ang dalawang lalaki at habang hindi ko maalis doon ang paningin ko ay may mga alaalang pumasok sa isip ko na parang katulad na katulad ng nangyaring iyon.


Hindi ko alam kung totoo ba iyon o paranoid lang ako? Masyado ba akong nag-ooverthink dahil sa trauma ko?


“W-Will, na. . . nalilito ako. Naguguluhan,” anas ko at umiiyak na nag-angat ng tingin sa kaniya.


Buti na lang ay may Will kaming kasama dahil siya ang nag-aasikaso sa mga bata habang ako ay wala pa sa sarili. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpapaapekto na naman ako sa kanya. Kinakain na naman ang buong sistema ko sa takot.


“Nalilito saan?” tanong niya at tukuyang pumasok sa kwarto. Hindi na niya sinira ng pinto, wala na yata ang mga bata at hinatid na niya sa school.


“'Yung nangyari. . . ng isang gabi,” anas ko. Talagang tumatak sa isip ko iyon at hindi na umalis pa sa isip ko. Ilang araw na akong hindi pinapatulog no'n. “Parang. . . nangyari na.”


Mas lalong kumunot ang noo niya. “Baka naman napa-paranoid ka lang? Lasing ka pa ba?”


Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ako nagbibiro, ang nangyaring iyon. Parang nangyari na. Hindi ko lang matukoy kung totoo dahil wala akong patunay. Basta ang alam ko lang nang gabing iyon. . . kinuha niya ako at ilang buwang hindi pinakawalan.


Nababaliw lang ba ako? Kaya nasasabi kong parang naulit na ang nangyari iyon?


What happened that night before I passed out? Ano ang buong nangyari?


“Do you want me to ask my gagong Kuya who suddenly showed up last night?” marahan niyang tanong na akala mo ay nag-aalinlangan pang sabihin iyon. “Kung gusto mo lang naman para naman hindi ka na nagkukulong pa rito sa kwarto mo at makapag-work ka na. Kasi sa totoo lang, hindi lang nagsasabi ang mga anak mo pero nag-aalala iyon sayo.”


I didn't immediately answer what he said. I swallowed. Hindi dapat ako nahpapaapekto sa kanya. Okey na ako, gumaling na ako sa trauma na ilang taon akong hindi pinatahimik. Kaya dapat hindi ko hinahayaang maging mahina ako dahil may mga anak ako.


“They can't see their Mama being like thia. You leave here one night with a smile on your face, kaya sana. . . ibalik mo iyon,” dagdag niya pa ay tinapik ang balikat ko ng marahan. “I'm not forcing you, if you really can't. Ang akin lang, sana maging maayos ka na.”


Wala sa sariling napayakap ako sa kanya. “Will, thank you. Kung wala ka sa tabi namin, siguro tuluyan ng napariwara ang buhay ko.”


Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. “Sus, hindi mo kailangan mag-thank you. Sabi ko naman sayo, kung pababayaan ka ni Kuya, ako ang bahala sayo. Lalo na't may pamangkin ako sayong mga gwapo huwag lang sanang lumaking tulad ng gago kong Kuya.”


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now