Epilogue 1

327 8 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Epilogue 1
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


"Mom, gusto ko rin kapag lumaki na ako maging isang abogado tulad mo."


Ngumiti si Mom na bumaling sa akin at inalis ang mga tingin sa papel na hinabasa niya. Kanina pa kasi siyang nakatitig doon tapos babaling din siya minsan sa may laptop niya.


"Talaga? Bakit mo naman gusto?" tanong ni Mom sa akin at ginulo pa ng bahagya ang buhok ko.


"Kasi gusto ko rin pong magtanggol ng taong hindi nila makuha ang hustisyang gusto nilang makamit mula sa masalimuot nilang sinapit," sagot ko kaya mas lalong ngumiti si Mom.


Hindi ko alam pero gusto ko ang ngiti ng Mom ko. Mas lalo kasi siyang gumaganda kapag ngumingiti. Kaya gusto ko laging nakikita ang ngiti ng Mom ko. Kapag nakikita ko ang ngiti niya sa labi ay pakiramdam ko wala kaming problema sa buhay. Walang iniisip.


"Kung iyan ang gusto ng baby ko, susuportahan ka ng Mommy," saad nito at binuhat ako 'tsaka ko kiniliti kaya naglumikot ako sa pagkakaupo ko sa lap ng Mom ko.


"Mom, s-stop! N-Nakikiliti po ako," natatawang sabi ko


Ngunit hindi nakinig si Mom at nagpatuloy pa rin sa pagkikiliti sa akin hanggang sa mapagod kami kaya hinihingal akong sumandal sa sofa namin. Maya-maya ay tumingin si Mom sa paligid. Mukhang may hinahanap.


"Nasa labas po sila ni Dad," sabi ko.


"Anong ginagawa nila roon?" tanong ni Mom at tumayo 'tsaka ako binuhat ulit. 


Kahit ang laki-laki ko na at medyo mabigat ay nagpapabuhat pa rin ako kay Mom. Ewan ko ba, pagdating sa Mom ko nagpapa-baby ako kahit may bunso akong kapatid. Close ko pareho ang Mom at Dad ko pero mas dikit lang talaga ako kay Mom at si Liam naman ay mas dikit kay Dad.


Paglabas namin ni Mom nakita namin sila Dad at Liam na naglalaro ng badminton sa garden ng bahay namin. Malawak ang garden namin kaya pwedeng-pwedeng maglaro rito. Marami ring mga bulaklak na araw-raw inaalagaan ni Mom. Mahilig siya sa flower, basta kahit anong bulaklak ay gusto niya.


Si Dad naman ay mahilig magtanim ng mga gulay kaya ang likod ng bahay namin ay parang gulayan na siya kung tingnan at dahil mahilig si Dad magtanim ay magaling din siya magluto.


"Dad, madaya ka naman, eh," nakangusong sabi ni Liam kaya nagpababa na ako kay Mom sa pagkakabuhat niya sa akin para lapitan sila Dad.


"Hayaan mo at tatalunin natin si Dad," singit ko at kumuha rin ako ng raket.


"Ganon ba? Sige, kakampi ko naman ang Mommy niyo," natatawang sabi ni Dad kaya mas lalong napanguso ang kapatid ko.


"Dad! Madaya kayo," mas lalong nag-rant ang bunso kong kapatid na mas lalong ikinatawa nila Mom and Dad.


"Oo na, oo na. Hindi na, talo na ako," pagsuko ni Dad kaya napangiti ang kapatid ko at nagsaya ito. "Anong gusto niyong lutuin ko?"


"Dad, mag-adobong kang-kong tayo," suggest ni Mom.


"Tapos may lahok na karne!" parehong sigaw namin ng kapatid ko kayabnatawa sila Mom.


Ginulo nilang pareho ang buhok namin. "Kayo talaga! Ang hihilig niyo sa karne. Hindi kayo kakain ng gulay kapag walang lahok na karne."


"Syempre po, favorite namin!"


Kinurot kami ni Mom. "Kahit pa! Masama ang araw-araw karne sa katawan. Kaya gulay tayo ngayon at walang halong . . . karne."


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now