39

339 7 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 39
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Bwisit ka! Bwisit ka talaga?!”


Nakasubsob ako sa dibdib niya habang umiiyak. Wala akong ginawa kundi ang hampasin siya. Ang sama-sama niya talaga. Sana man lang sinabi niya sa akin dahil maiintindihan ko naman siya. Mauunawaan ko naman siya dahil hindi naman ako makitid kung mag-isip. Feeling ko ang sama ko dahil pinag-isipan ko siya ng kung ano-ano.


“Ang dami mong secret na hindi mo sinasabi sa ‘kin, kainis ka!” sambit ko pa ulit at hinampas siya.


Wala siyang ibang ginawa kundi ang hayaan ako at aluhin ako ng aluhin. Nakakainis kasi siya. Naiinis ako sa kanya grabe. Bakit kailangan niya pang magsinungaling?


“I’m sorry. Natakot kasi akong sabihin sayo b-baka . . .  iwan mo ‘ko,” mahinang anas niya at niyakap ako ng mahigpit ulit.


Kaya pala kada magtatanong ako sa kanya ay panay iwas siya o kung minsan ay hindi siya magsasalita. Tao lang din naman ako at hindi ako mapanghusga. Wala namang taong perpekto dahil lahat tayo ay nakakagawa rin ng kasalanan.


Umalis ako sa pagkakasubsob sa pectoral niya at nag-angat ng tingin. Tumingin ako sa orbital niyang namumula dahil sa luha. Habang nagkukwento siya ay umiiyak din siya kaya ngayon ay namumula ang mata niya. Parehas kaming namumula ang orbital namin dahil sa kakaiyak. Hinaplos ko ang buccal niya ng marahan at pinunasan ang luha niya.


“Bakit naman iyan ang pumasok sa isip mo?” tanong ko. “Alam mo bang masama ang sama ng loob ko sayo kasi sa tuwing nagtatanong ako about sayo umiiwas ka at hindi mo sinasagot. Ang unfair kasi ikaw may alam ka abut sa akin at ako wala man lang alam about sayo pero . . . dahil n-nagkwento ka na ngayon. May nalaman na ako.”


Ngumiti siya at hinalikan ako sa frontal ko ng malambing. Umayos ako sa pagkakahiga ko para sumandal sa dibdib niya. Pinaglalaruan niya ang buhok ko at ako naman ay hawak ang kamay niyang isa. Iyon naman ang pinaglalaruan ko habang nag-uusap kami.


Hindi ko alam na ikukwento niya ang nangyari sa kanya. Akala ko kasi ay iiwas na naman siya o hindi magsasalita. Ganon kasi siya ng una kaya naiinis ako sa kaniya. Kaya nagagalit ako. Pero ngayon alam ko na ang nangyari sa kanya noon ay naawa ako sa kanya.


Hindi ko akalain na ganun pala ang nangyari sa kanya, kung sa akin nangyari iyon ay hindi ko kakayanin. Baka nagpakamatay na ako. Kaya hanga ako sa kanya dahil nakayanan niyang lagpasan iyon. Nakayanan niyang labanan ang sakit na dinulot sa kanya ng mga taong iyon. Nakayanan niyang lumaban para mabuhay para sa mga taong natitira pang mahalaga sa buhay niya.


“Pero . . . tapos na ‘yung mission niyo? Kaya ka bumabalik ngayon sa ‘kin?” tanong ko ng matahimik kami ulit.


Nang tingnan ko siya ay nakapikit siya, mukhang inaantok na siya pero inabot kami ng paumaga na dahil sa kwento niya. Pero hindi pa ako inaantok, nawala ang antok ko dahil sa mga nalaman ko. Dapat inaantok ako ngayon dahil pinagod niya ako pero ngayon ay wala akong maramdaman na antok. Buhay na buhay ang diwa ko.


“S-Sa ngayon, h-hindi pa ako sigurado. Pero sana t-tapos na,” sabi nito ng pahina na ng pahina ang boses niya.


Akmang magtatanong pa sana ako ng mapansin na bumigat ang paghinga niya. Nang tignan ko siya ay tuluyan na siyang nakatulog. Napangiti ako ng makita kung gaano siya ka cute habang tulog. Nakayakap siya sa akin ng mahigpit na akala mo kapag hindi niya iyon ginagawa ay baka iwan ko siya. Mukha siyang takot.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now