Epilogue 3

303 6 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Epilogue 3
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

“Tanggap mo pa rin ba ako kahit na masama akong tao?”

Kinain ako ng kaba ng hindi siya nagsalita. Nanatili siyang tahimik habang nakatingin sa akin. Unti-unting nanlalamig ang bawat parte ng katawan ko, muhang namumutla ako.

Shit! Sa dinamirami ng tao, kay Raine lang ako natakot ng ganito. I mean, naramdaman ko na rin ang takot pero mas grabe ang takot na nararamdaman ko ngayon lalo na’t ang babaeng mahal ko na ang maghuhusga sa akin.

Simula naman ng matapos ang mission ko ay tumigil na ako sa kakapatay ng tao. Pero dahil kaibigan ko sila at matagal ko na silang nakasama ay hindi ako umalis sa group namin. Member pa rin ako ng group na binuo namin pero ang nabago lang ay hindi na ako pumapatay.

Simula ng nagkwento ako kay pumpkin kung anong klase ng buhay meron ako. Ayaw kong matakot siya sa akin kaya pinaliwanag ko iyon sa kanya ng malinaw. Alam na niya kung anong klase kaming tao kaya ngayon ay kinakabahan ako kung ano ang sasabihin niya.

Hindi ko kakayanin kung siya naman ang kusang lumayo mula sa ‘kin.

Siya ang mundo ko. Ginawa ko siyang mundo na hindi naman dapat. Dahil ang tao ay mananatiling isang tao pero dahil nahulog ako sa kaniya ay unti-unti ko siyang ginawang mundo ko. Mundo ko na ayaw kong mawala dahil ako ang guguho kapag nangyari iyon.

“R-Raine,” muling pagtawag ko sa kaniya.

Ang mga mata na niya para bang may sinasabi pero hindi ko matukoy kung ano iyon at kung ano man iyon ay natatakot akong marinig. Ano bang ginawa sa akin ng babaeng ‘to at ganito na lang mag-react ang katawan ko?

Unti-unti niyang inangat ang kamay niya at dumako iyon sa pisngi ko. Ang init ng kamay niya. Napapikit ako ng hinaplos niya ang palad niya ng marahan sa pisngi ko. Naghihintay pa rin ako sa magiging sagot niya. Habang tumatagal ay lalo lang ako kinakabahan. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.

“Edwyn,” napabuga ako ng malalim na hininga ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. “Kahit ano ka pa hindi magbabago no’n ang nararamdaman ko para sayo. Dahil . . . mahal kita. Mahal na mahal.”

Para akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya. Lahat ng pag-ooverthink ko na mga katanungan ay bigla na lang nawala ng marinig ko ang salitang mahal kita. Kusang ngumiti ang labi ko at muling tumingin sa kaniya. Hindi talaga siya pumapalyang hindi ako mapangiti kahit wala siyang ginagawa.

Kaya nababaliw ang puso ko sa kaniya.

“Pumpkin, mahal din kita,” hinigit ko siya at niyakap ng mahigpit. “Mahal na mahal kita ng sobra-sobra.”

“Ako rin, sobrang-sobrang mahal kita, baliw!” natatawang sabi niya. “Kahit ikaw pa ang taong pinakabaliw sa buong mundo ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko at mamahalin habang buhay.”

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang tumulo ang luha ko kahit ang mga sinabi ni pumpkin ay masaya. Bigla na lang akong naging emosyunal na tao. Pagdating sa kaniya ay nagiging parang ibang tao ako. Ang mga ibang gawain na hindi ko naman ginagawa noon ay nagagawa ko dahil sa kaniya.

Simula ng makilala ko siya wala ng ibang inisip ang utak ko kundi paano ko siya mapapasaya sa araw-araw. Paano ko siya mabibigyan ng masayang pamilya kung ganito ang buhay ko?

Hindi ko akalain sa kabila ng masasamang nagawa ko ay pagkakalooban pa rin ako ng ganitong klase ng babae. Babae na mamahalin ako at tatanggapin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now