13

696 16 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 13
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

“Lintik!”

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang sumigaw si baliw at nabasag ang flower vase dahil lahat ng nakikita niya ay binabagsak niya. Hanggang ngayon ay galit pa din siya. Badtrip kung baga. Kaya ang gulo ng opisina niya at makalat. Kawawa naman ang maglilinis sa opisina niya dahil sobrang kalat.

“Bakit mo naman hinayaang halikan ka ng tarandatong iyon, pumpkin?!” sigaw nito sa akin.

Napatalon pa ako ng bahagya dahil sa pagsigaw niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. Wow! kasalanan ko pa? Nabigla ako kaya hindi ko siya kaagad naitulak tapos isishin niya ako? Kasalanan ko bang slow ang utak ko para mapagtanto ang ginawa ng lalaking iyon.

Maski akoo rin naman ay naiinis dahil bigla na lang siyang naghahalik. Ni wala man lang paalam ang lintik na lalaking iyon. Bwisit siya! Sana mabaog siya! Sana hindi siya magkaroon ng anak.

“Sinabi ko naman na sayo, ah?” sigaw ko din pabalik dito. “Sinabi ko naman sayo. Nabigla ako. Hindi ko din naman alam na hahalikan ako no’n.”

“Kahit pa!” Muli akong napaigtad dahil naghagis na naman siya ng gamit. “Hinalikan ka niya pa rin! Damn him!”

Wala na dito ‘yung lalaking nanghalik sa maganda kong labi. Ang walang hiyang iyon. Akala ko kung ano ang gagawin iyon naman pala ay balak akong halikan. Duguan siyang lumabas sa opisina ni baliw. Kawawa naman, pumasok siyang gwapo pero lalabas siyang pangit na.

Kung hindi lang pinigilan si baliw ng mga katrabah niya ay baka hindi na buhay ang lalaking iyon. Mukhang ayaw din kasi siya pakawalan ni baliw kanina hangga’t hindi iyon napapatay. Buti na lang at naawat siya. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang itsura niyang galit na galit.

Sigurado akong maraming mga pasa sa mukha ang lalaking iyon dahil duguan siyang lumabas dito sa opisina ni baliw. Inawat namin siya ng mga ka-attorney niya. May mga ibang natakt na hawakan siya dahil base sa itsura kanina ni baliw ay ‘pag umawat ka ay masusuntok ka rin niya.

“You still agree to kiss others,” mariin niyang sinabi.

“Sinabi ng hindi!”

Napaatras ako ng lumakad ito papunta sa akin. Mukhang hindi nagustuhan ang pagsigaw k pabalik sa kanya, naiinis na kasi ako. Paulit-ulit siya. Masama siya kung tumingin. Hindi sa mata ko kundi sa labi ko. Kaya napalunok ako. Anong gagawin niya? Sasapakin niya rin ba ako?

Dinapuan ako ng kaba. Sobrang kaba, sinasabayan pa iyon ng malakas na pintig ng puso. Kinakain ako ng takot at kaba dahl sa aura niyang nakakatakot. Para bang nababalutan siya ng itim na aura. Wala siyang emosyon na naman sa mukha. Ang cold niyang tignan. Maski yelo ay lalamiin sa kanya.

“You probably know what's going to happen next, right?"

Anong ibig niyang sabihin? Anong next? Happen? Ano ‘yun? Hindi ko gets. 

“H-Ha? A-Anong ibig m-mong sabihin?” tanong ko at hindi na ko na naitago pa ang takot ko.

“I will punish you, pumpkin,”

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now