9

626 14 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 9
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


"Hey!"


Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hanggang ngayon ay nandito pa din sila. Ang mga kaibigan ni baliw. Hindi ko sila nakakausap ng madalas dahil natatakot ako sa kanila. Mukha kasing papatayin ka nila oras na gumawa ka ng hindi nila nagustuhan.


Kaya ilag na ilag ako sa kanila, sa tuwing kakausapin nila ako ay nililimitahan ko o kaya naman ay pinag-iisipan ko ang isasagot ko sa kanila. Baka kasi mamaya ay barilin nila ako bigla ‘pag sumagot ako ng hindi kaaya-aya.


"H-Hi, b-bakit? G-Gising na ba siya?" tanong ko dahil abala ako sa pagluluto.


Umiling siya kaya tumango ako. Napasimangot ako. Mas lalo akong nag-aalala. Mga ilang araw na akong nag-aalala kay baliw dahil hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising simula ng nagpakita siyang may tama ng bala. Saan ba kasi siya galing? Bakit ganun ang itsura niya?


Uuwi na lang kasi pag-aalalahanin pa niya ako. Paano kaya kapag wala ako dito? Eh, 'di mamamatay na siya? Paano kapag tumakas na ako? Paano siya? Sino ang hihingi ng tulong? Sino ang tutulong sa kaniya? Sino na ang mag-aalala sa kanya? Bakit kasi ganito ang buhay ng lalaking iyon? Hindi na lang mamuhay ng payapa. Kaakibat yata ng name niya ang gulo.


Natigilan ako ng mapagtanto ko ang iniisip ko. Bakit naman ako mag-aalala sa kanya? Eh, hindi ko naman siya kaano-ano. Hindi ko siya kamag-anak, pamilya, kaibigan, at iba pa. Kaya bakit? Itoo na ba ang epekto ng ilang araw ko siyang nakakasama?


Tangina! What if nahuhulog na pala ako ng unti-unti sa baliw na iyon? No way!


Hindi pwede! Hindi! Tama,a hindi pwede! Kaya kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko.


"Hmm, is there a problem?"


"Ay problema ka!" Gulat kong sigaw ng may nagsalita sa gilid ko.


Natawa siya ng nagulat ako at napailing-iling ako. Napangiwi ako ng maglabas siya ng sigarilyo. Ayaw ko ng amoy ng sigarilyo. Mabaho kasi. Hindi ko kayang maamoy at ‘tsaka may sakit nadala iyon sa health. Kaya bakita pa sila gumagamit niyan?


"Pwede bang doon ka sa labas manigarilyo?" Masungit kong anas.


"Ang sungit mo naman," saad niya pero inirapan ko siya.


“Hindi ako masungit, ayaw ko lang talaga ng amoy,” honest kong sagot.


Sa lahat ng kaibigan ni baliw ay parang ito lang na lalaking ito ang pinaka maingay sa kanila kumbaga ay madaldal siya. Para bang hindi siya nauubusan ng topic. Kahit ano ay ita-topic niya. Siya lang din madalas na lumapit sa akin para kausapin ako. Mukha siyang friendly na ewan. Pero nakakatakot pa rin siya.


"By the way, I'm Haris Levidis," pagpapakilala niya sa akin. Inabot pa niya ang kanyang kamay sa akin.


"I'm Raine Jayce Madriaga. Raine na lang," sambit ko.


Kung si baliw ay may blue na kulay na mata, ito naman si Haris ay may kulang brown na eyes. Parang ang colorful ng mga mata nilang lahat. Iba't ibang kulay kasi. Hindi naman nakakapagtaka dahil alam kong may mga lahi sila. Nag ga-gwapo ba naman. Combination sila lahat ng iba’t ibang lahi, para tuloy ang sarap magpalahi sa kanila dahil ang gwapo nila.


"Hindi pa pala kami nakakapag pakilala sayo 'no? Hayaan mong ako na ang magpakilala sa mga kaibigan namin ni Edwyn," anas niya pero nakatuon na ang tingin ko sa may niluluto ko. Hinayaan ko lang siyang magdaldal at nakikinig naman ako hindi lang halata.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now