25

461 15 1
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 25
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Reason? Reason niya mukha niya! Bwisit siya!”


Narinig ko ang pagtawa ni Will kaya binato ko siya ng water bottle. “Hey, chill ka lang! Masyado kang hot.”


Humarap ako sa kaniya. “Alam mo ba kung anong reason ang tinutukoy niya? Hindi ba’t magkapatid naman kayo kaya alam koong may alam ka sa sinasabi niya. Kaya ano iyon?”


Bigla siyang napaayos ng upo at tumahimik. Mukhang may alam siya pero ayaw niya lang magalita. Pareho silang magkapatid! Mga baliw! Ang dami nilang sikreto sa mga katawan. Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? Kahit chismosa akong journalist ay naititikom ko naman ang bibig ko lalo na kapag sinabing secret.


Pero hindi ko maiwasang ma-curious kung anongreason ang sinasabi niya. Na-hook ako roon pero hindi ko lang pinahalata dahil kinakabahan ako kapag malapit siya sa akin. Ayaw ko sa pakiramdam no’n pero hindi ko maiwasan.


May feelings pa rin ba ako sa kanya?


Napailing ako, nababaliw na ako para iisipin kong meron pa. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para sabihing may feelings pa rin ako hanggang ngayon sa kanya. Matapos ng ginawa niya sa ‘kin? No way!


“Woi! Sino naman kausap mo d’yan?” takang tanong ni Will ng marinig niya yatang nagsasalita na naman ako mag-isa. “Should I take you to the mental hospital? Nauulol ka na naman eh.”


“Ulo!” Mura ko sa kanya at inirapan.


“Kung curious ka sa sinabi ng gago kong Kuya bakit hindi mo siya tanungin about d’yan? Didn't he say earlier that he was ready to tell you and explain what his reason was,” seryosong sabi niya ng matahimik kami ng ilang minuto.


Napasandal na lang ako sa upuan. Pagkauwi ko ay aayusin ko ang na record kong press conference para ayusin iyon at maipasa kaagad sa boss ko. Ito ksi ang pina-ASAP niya sa akin na gawin ko bago ang mga on-goings ko pang gawain.


Kakilala ba ni boss siya? Nag-usap ba sila na ako na lang ang ipalit para pumunta roon at makapag-usap kahit papaano kaming dalawa? Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Mukhang hindi na naman ako makakatulog ng maayos dahil sa mga katanungan sa isip ko.


“Will. . . sa tingin mo kapag nasabi sa akin iyon ng kapatid mo,” hindi siya nagsalita at hinihintay ang susunod kong sasabihin. “Sa tingin mo matatahimik na ako?”


“Ha?” takang tanong niya at mukhang naguluhan.


“Ang ibig kong sabihin, kapag ba nagpaliwanag siya kung bakit niya ginawa iyon sa akin. Matatahimik na ba ang puso at isip ko? ‘Yung tipong parang babalik ang lahat sa kung saan umpisa pa lang ay payapa ang buhay ko at walang gumugulo sa isip ko. May problema pero keri naman,” mahabang anas ko. “Gets mo ba? ‘Yung sinasabi ko?”


Tumango siya ng dahan-dahan pero hindi siya tumingin sa akin sa daan lang ang tingin niya at nagmamaneho ng mabuti. Napabuntonghininga ako, feeling ko sobrang pagod na pagod ang katawan ko kahit ang ginawa ko lang ay ang mag-isip.


“Ibig sabihin, kung humingi si Kuya ng second chance hindi mo na pagbibigyan?” tanong niya.


“Deserve niya ba iyon?” Natigilan si Will sa binato kong tanong. “I think, hindi. Hindi niya deserve iyon.”


“Ibig sabihin, liligawan ka pa lang niya ay babasterin mo na?” tanong na naman niya.


Kumunot ang noo ko. Bakit parang nasa side na naman siya ng Kuya niya dahil sa mga tinatanong niya sa akin? Akala ko ba ay ayaw na niya sa Kuya niya para sa akin dahil gago iyon? Pero ngayon ay parang baliktaran ang sinasabi niya ngayong gabi.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now