21

432 11 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 21 
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Mama, sino pong ilalagay namin sa family tree na Papa namin?”


Natigilan ako sa tinanong ni Lew. Pati rin si Will ay natigilan siya sa tinanong ng anak ko. Gumagala kami ng mga bata tapos bigla na lang iyon na i-topic ng anak ko.


“The family tree is our assignment, so I'm sorry if I asked po,” dagdag pang anas ng anak ko.


Napalunok ako. “P-Pwede niyo namang ilagay si Tito-Daddy niyo roon as a father.”


Never ko nga pala naungkat sa mga bata ang tungkol sa tunay nilang Ama. Akala ko kasi hindi sila magtatanong kaya hindi ko na rin nabanggit pa kahit kailan sa kanila. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Che kanina. Dapat ko ba siyang sundin?


Nag-suggest kasi si Che sa akin na makipag-date, random date raw sa mga guy.


Napatikhim si Will. “Lew, your Mama is right. You can put me there. Tutal ay para ko na rin naman kayong anak.”


Wala sa sariling napainom ako ng tubig habang iniiwas ko ang paningin ko sa mga anak ko. Alam kong gusto nilang magtanong about sa tunay nilang Ama pero hindi nila sinusubukan. At iyon ang pinagpapasalamat ko, ayaw ko rin naman nilang makilala dahil ayaw kong maranasan nila ang traumang naidulot niya sa akin.


“Really, Tito-Daddy? Sige, ikaw na lang po ang ilalagay namin ni Lai,” nakangiting anas ni Lew at yumakap pa kay Will.


Kaya naman binuhat ni Will si Lew at si Lai naman ay hinawakan sa kamay ni Will ‘taka sila nagpatuloy ulit na maglakad papuntang quantum. After namin silang sunuin ay sa mall kami kaagad dumiretso dahil iyon ang request ng mga bata na agad naman sinunod ni Will.


Masyadong ini-spoil ni Will ang mga anak ko kaya kung minsan ay hindi na sila nakikinig sa akin at puro dahilan keneme na biyaya raw iyon kaya hindi dapat tanggihan. Sarap bigwasan ni Will dahil alam kong sa kanya iyon galing. Kung ano-anoo tinuturo sa mga bata kaya ginagaya siya.


“Tito-Daddy, doon po tayo sa basketball! Paramihan ng magso-shoot na bola,” masiglang pag-aayaw ni Lew na tila ba ay hindi siya apektado kanina sa tinanong niya sa amin. “You, Lai? What will you play??”


“Ikaw na lang, I want to go to the national book store,” anas ng anak kong si Lai at inip na tumingin sa mga machine game ng quantum.


Napailing na lang ako. Hindi talaga siya mahilig maglaro, kung maglalaro man siya kapag nasa mood siya o napilit ng kapatid niya. 


“Kahit isang game lang ayaw mo?” tanong pa ulit ni Lew.


Umiling ang kapatid niya. “No, don't be naughty, Lew.”


Napanguso na lang si Lew bago ayain si Will na maaglaro na ng tuluyan. Minsan talaga hindi ko rin maintindihan ang anak kong si Lai. Minsan okey siya, minsan hindi. Ang hirap niyang basahin, talo niya ang mga babaeng nagkakaroon kada buwan at nagbabago-bago ang mood o mga buntis.


“Anak, gusto mo habang nandito ang Tito-Daddy mo at si Lew tayo naman ay pumunt sa National Book Store then ibili natin ang want mo?” Pang-aalok ko sa anak ko at hinawakan pa ang kamay nito ‘tsaka ngumiti ng matamis.


“Will you buy the book I want??”


Tumango ako. “Yes. So? Let’s go na?”


Tumango lang ang anak ko kaya napanguso ako. Ang sungit talaga nitong batang ito. Nang makapunta kaming national book store ay agad pumunta ang anak ko sa book section. Hindi na ako nagtaka pa ng kuhain niya ang about sa mga murder na story.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now