18

486 10 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 18 
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


Nagising ako ng may iniindang sakit sa aking pagitan ng hita ko. Masakit ang pagitan ng hita ko pero kaya kong makapaglakad. Wala na si baliw sa tabi ko ng magising ako. Ang lalaking iyon grabe ang pag-ano niya sa akin. Hindi siya nakukuntento sa isang round. Isang round lang pa man din ang kaya ko dahil after no'n ay nakakatulog na ako.


Pagod na kaya ako after one round lang pero si baliw after ng isang round ay humihirt pa ang loko. Nawala na sa bilang sa daliri ko kung gaano kami naka ilang beses na nag-sex bago ako nawalan ng malay dahil sa kapaguran ko. Tinotodo niya kasi kapag nasimulan na. Pero ang lalaking iyon ay para bang walang kapaguran dahil sige ng sige.


Hindi makuntento sa isa ang baliw na iyon dahil hihirit at hihirit siya hanggang sa hindi ako nawawalan ng malay ay gagalawin at gagalawin niya ako. Pumili na muna ako ng damit bago pumunta ng banyo. Naligo na muna ko bago ako bumaba sa baba. Nagbabakasakali akong nandoon si baliw dahil wala na siya sa kwarto.


Nagtaka ako ng makalabas ako ng kwarto ko ay may mga bodyguard sa bawat sulok nitong bahay. Ano na naman ba 'to? Kada may bantay akong nakikita feeling ko may may mangyayaring masama. Hanggang sa makababa ako ay meron pa din akong nakikitang mga ganon. Ang daming mga nagkalat na mga nakabantay.


“Ed?” Pagtawag ko sa kanya ng makababa ako ngunit wala akong nakuhang tugon niya. "Nasaan ba siya? Lagi na lang kapag after namin mag-ano magigising akong wala siya sa tabi ko."


Napanguso ako. Nasaan ba 'yung baliw na iyon?


Wala siya sa may sala nitong resthouse kaya pumunta ako sa may kusina. Doon ko nakita na may isang lalaki na nagluluto. Likod pa lang nitong lalaking ito ay alam kong hindi ito si baliw. Hindi rin ito ang isa sa mga kaibigan ni baliw dahil kahit ilang beses ko pa lang nakikita ang mga kaibigan no’n ay kilala ko na ang mga iyon.


Hindi ko masabi kung masama siya o mabuti. Ang hirap i-judge ng mga kakilala ni baliw. Pero alam kong nakakatakot din siya.


“Sino ka?” tanong ko dito. Binigyan ko siya ng seryosong tingin ng humarap siya sa akin. Napaawang ang aking labi. Kamukha niya si baliw. Bakit sila magkamukha? Kaano-ano niya si baliw?


“Hi, magandang hapon?” Pagbati niya at numiti. “Ikaw siguro si Raine, right? I’m William bunsong kapatid ni Kuya Edwyn. Will na lang for short.”


“Will—”


“Will you marry me?” Natawa siya dahil sa pagka-corny niya. Napangiwi naman ako.


Napabuntonghininga ako. Baliw din ang isang 'to. Manang-mana sa Kuya niyang baliw. Hindi na ako magtataka kung bakit sila magkamukha. Hindi lang pati mukha dahil oati yata sa ugali ay same sila. Lahat ba ng pamilya ni baliw ay may pagkabaliw? Baka naman kapag na-meet ko sila ay sa mental ang bagsak ko.


Magkapatid nga sila. Parehas maloko. Sa kanya pa nagmana ang kapatid niya. Hindi talaga maitatanggi na magkapatid sila dahil medyo magkamukha sila at pati ang ugali. Gwapo rin si Will, matangkad, makisig, at halatang mas okey siya. I mean, mas friendly siya.


“Just kidding, Ate! Baka masapak pa ako ni Kuya kapag narinig niya iyon,” tumawa siya ulit kaya napailing ako. "Dapat siya ang nagsasabi no'n sayo at hindi na ako."


Buti na lang at pinaalala niya ang Kuya niya. Medyo nawala siya sa isip ko dahil pinag-compare ko silang dalawa ng kapatid niya.


“Uhm, nasaan ba siya?” tanong ko ulit at muling tumingin sa may niluluto niya. "Hindi ko kasi siya makita."


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now