7

753 18 3
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 7
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


Kinabukasan ay wala akong nakitang baliw sa bahay ng magising ako. Hindi ko siya nakitang katabi ko or nakadagan man lang sa akin sa tuwing magigising ako. Mga iilang bantay lang na nakapalibot sa bahay na ito ang nakikita ko na mukhang binabantayan ako. ‘Tsaka may babaeng medyo matanda dito. Siya ang nagluto ng almusal ko kanina.


"Hija, huwag mo ng gawin iyan. Baka kagalitan ako ni sir," sabi ni Manang pero hindi ako nakinig. Inaagaw na nga niya ang ginagawa ko pero hindi ako nagpapapigil.


"Hayaan mo na ako, manang. Wala din naman po akong gagawin," anas ko. ‘Tsaka ang boring ng walang ginagawa, ayaw naman kasi ibaik sa akin ni baliw ang cellphone ko para sa malibang ko ang sarili ko kahit papaano.


"Oh, siya. Mukhang hindi naman kita mapipigilan. Punta lang ako sa kusina at magluluto na muna ako ng tanghalian natin," pagpapaalam ni manang.


Habang ako ay abala sa paglilinis. Wala kasi akong magawa kaya naisipan kong maglinis na lang ng bahay at tulungan si manang. Marunong naman ako ng gawaing bahay dahil maliit pa lang ako ay tinuturuan na kami ni Mama sa mga gawaing bahay. Tinutulungan ko si Manang na maglinis. 


Napapairap na lang ako kapag pupunta ako sa isang sulok ng bahay ay nakasunod ang dalawang lalaki. Mga bodyguard daw sila kuno ng baliw. Mukhang pinapabantayan ako ni baliw habang wala siya dito. As if naman makakatakas ako dito, ‘di ba? eh, wala nga akong makitang magamit para makaalis ako dito. Walang bangka man lang, kainis!


“Pwede ba! Tigil-tigilan niyo ang pagsunod sa akin!” inis kong sigaw sa dalawang lalaki dahil pupunta ako ng banyo ay nakasunod pa din sila. “Ano?! Gusto niyo din sumama sa loob?”


Napairap ako ng yumuko sila. Akala naman nila makakatakas ako. Eh, ang daming nakabantay sa bahay na ito. Umakyat ako sa taas ng matapos kong umihi. Maliligo na muna ako bago kumain dahil nanlalagkit na ako. kailan ba niya ako papakawalan?


Tapos na akong maligo ng makarinig ako ng parang mga putok ng baril at nagkakagulo. Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari? Bakit may putok ng baril? Kahit na nakakaramdam na ako ng takot at dahil na rin sa pagka-curious ko ay lumaba ako ng kwarto. Nang makababa ako ay medyo magulo na ang bahay. Hindi na siya malinis katulad ng kanina. Ang kaninang maayos, ngayon ay parang dinaanan ng isang malakas na bagyo ang loob ng bahay.


"Gago! Hanapin niyo!" Rinig kong sigaw ng lalaking galit.


Napalunok ako. Nasa kusina ako upang hanapin si manang. Nasaan ba sila? Akmang lalabas ako ng kusina ng napaatras ako dahil may nakasalubong akong dalawang lalaking nakasuot ng bonet na itim. Sigurado akong hindi siya tauhan ni baliw dahil wala namang ganitong suot ang mga bantay niya. Halos lahat ng suot nila ay itim. Habang may hawak na baril.


Nanginig ako ng makita kong may hawak silang ganun. Bakit sila may baril? Papatayin ba nila ako? At bakit? wala naman akoong utang, ah? Wala akong kasalanan sa kanila.


"Huwag ka ng tumakbo, miss. Kung ayaw mong masaktan," saad ng isang lalaki na may halong pagbabanta iyon.


Sigurado akong ako ang pakay nila base sa kilos nila. Pero bakit ako? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila, ah? Sino ba sila? Ni hindi ko nga sila kilala, kaya bakit ako ang pakay nila? bakit? 


"A-Anong kailangan niyo s-sa akin?" Natatakot kong tanong dito. 


Baliw, nasaan ka ba? Natatakot na ako.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt