16

451 10 1
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 16
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

“Tangina, boss! I said just treat her. I didn't say that you can touch her and look at her!”

“Tangina mo din, assassin!” Rinig kong pagsisigaw ng isang lalaki. Mali. Hindi lang pala isa dahil dalawa silang nagsisigawan sa isa’t isa. Kanina pa silang ganyan at naiirita na ako. Ang ingay nila pareho. “Where have you seen a doctor who not allowed to look at and touch the person he is treating? Ginagago mo ba talaga ako?”

Sobrang ingay. Puro sigawan. Napadaing ako ng makaramdam ako ng pagkirot sa may tagiliran ko. Wala akong maramdaman na sakit. Pero ramdam kong may inaalis na kung ano sa may tagiliran ko. 

“Bastard! Be careful! You hurting him.” Boses iyon ni baliw. Na sinisigawan ang gumagamot sa akin.

Bakit ba sila nagsisigawan? Pwede namang magsalita ng mahinahon. Hindi iyong nagsisigawan sila na ewan. Para silang nas apalengke na ewan. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Para akong inaantok na ewan.

“Gago, palit na lang kaya tayo?”

Ang ingay nila. Gusto ko silang sigawan pero wala akong lakas na gawin iyon. Nanghihina pa ang katawan ko. Dahil ba ‘’to sa tama ng baril? O napagod lang talaga ako ng husto?

“Buang ka din, ass!” Natatawang anas ni Haris?

Nandito ang mga kaibigan ni baliw? Anong ginagawa nila rito? Bakit? Nasaan ba kami? Panaginip lang ba ito?

“Can you calm down first? Your pumpkin will be okay too,” sambit pa ng isang lalaki na para bang nagtitimpi siya. “Animal ka!”

Teka? Nasaan ba ako? Bakit ko naririnig ang boses ng mga kaibigan ni baliw? Bakit wala na akong maramdaman na nasa byahe pa kami? Wala na akong maamoy na simoy ng dagat. Ang paghampas ng alon. Wala na ba kami sa dagat?

Pinakiramdaman ko ang paligid ko pero wala talaga akong maamoy na tubig lahat ng dagat. Wala na yata kami sa yate. Pero anong nangyari?

“Mga gago! Why are you all here? Get out! Not all of you are needed here!” Pananaboy ni baliw sa mga kaibigan niya pero tinawanan lang siya. “Tangina, kung hindi kayo lalabas hihiwain at sasaksakin ko mga ulo niyo o pati ang buong katawan niyo! Lalo na ang mata niyo kung saan-saan tumitingin!”

“Ikaw na lang kaya ang gumamot sa babae mo at ako naman ang manenermon sayo. After all, it's your fault. That's why she was hit by a gunshot. Hindi ka kasi nag-iingat! Alam mo naman ang sitwasyon natin! So she is in a dangerous situation now because of you!”

Doon ay hindi na nakaimik pa si baliw dahil sa galit na sigaw ng lalaking gumagamot sa akin. Hindi ko magawang imulat ang aking mata. Parang gusto ko lang ay nakapikip lang ako. Gusto kong itanong kung bakit nasa dangerous situation ako? Bakit?

Hinahabol pa rin ba ako hanggang ngayon ng mga lalaking gusto akong kunin? Pero bakit ako ang pinupuntirya nila? Wala naman akong kasalanan.

Mga ilang minuto ay wala na akong maramdaman na kung anong ginagawa sa katawan ko. Tapos na yata akong gamutin. Wala na rin akong naririnig na ingay. Kaya malaya na akong makakapag pahinga. Hindi ko alam kung gaano ako katalagal na nakatulog at nakahiga.

Basta nagising na lang ako ng tirik na tirik na ngayon ang araw sa labas. Nasa isang kwarto ako. Hindi ko alam kung nasa isang luxury hotel room ba kami o nasa kwarto lang talaga ng isang bahay? Dahil ang design ng kwartong ito ay parang nasa hotel. Mukhang nasa bagong kwarto na naman ako.

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now