41

356 9 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 41
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Mang Ron, nakita mo po ba ang mga anak ko?”


“Umalis sila, eh. Hindi ka ba sinabihan?” 


Napanguso ako at umiling. Saan naman kaya sila pumunta? Hindi man lang ako sinama. Ang sama talaga ng ugali ng baliw na iyon. Hindi man lang ako inisip na isama. Kanina ko pa sila hinahanap pero hindi ko sila makita-kita rito sa bahay.


“Sige po, okey lang po,” anas koo bago ko iwan si Mang Ron na naglilinis sa bakuran.


Nakanguso akong naglalakad papunta sa mga may nakatanim na mga bulaklak. Inamoy ko ang iyon at ang bango. Mukhang inaalagaan ang bulaklak na ‘to kasi malago itong nakatanim. Ang kukulay niya rin. Sobrang ganda ng mga bulaklak.


Pero inis pa rin akong tumayo at pumasok na sa bahay. Wala naman akong magawa kaya maglilinis na lang ako ng kwarto habang hinihintay silang umuwi. Ang una kong nilinisan ay ang naging kwarto ko at ang sunod ay sa kwarto ni baliw. Pero hindi ko namalayan na malayan na sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako.


Nagising na lang ako ng parang may nags-strum na gitara. Kumunot ang noo ko. Wala naman kaming kapitbahay dito kaya saan galing iyon? Pagtingin ko sa bintana ay gabi na.


Mukhang napahaba yata ang tulog ko? Hindi ako nakakain ng tanghalian kakahintay sa kanila. Tinatamad pa akong bumangon kaya nanatili ako sa kama habang pinapakinggan ang paggitara ng kung sino.


“Nung una kang makilala. Binigyan mo ng pag-asa. Ang buhay ko’y biglang nalang nagbago, dahil sayo ang puso ko’y natuto. Ikaw na sana syang dalangin ko sa may kapal.”


Ano iyon? Mas lalong kumunot ang noo ko ng makarinig ng kumakanta.


“Mahal kita simula pa nung una. Sana’y mahal mo rin ako. Dahil ika’y nagsilbing pag-asa at naging ilaw sa’king mundo.” 


Boses ba iyon ni baliw? Napabangon ako sa kama. Unti-unti akong tumingin sa may bintana at nakita kong nandoon sila baliw. May hawak-hawak siyang gitara habang nags-strum. Kasama niya rin ang mga anak ko at ang kapatid niya na may hawak din na gitara. 


Lahat sila ay may kanya-kanyang hawak. Wala sa sariling dumungaw ako at pinanood sila. Pakiramdam ko ay para akong dalaga ulit dahil sa ginagawa nila. Dalagang nililigawan at gusto akong kabiyak kaya hinaharana ako..


“Nang unang beses masilayan ko ang iyong kagandahan. Na parang meron tumulak at hindi nag-alinlangan na pasukin ang tadhana tayo’y pinagtagpo. Ngunit hindi magagawang sayo’y makipaglaro. At tinatag sa’king isipan na lahat ay gagawin. Para sayo aking sinta upang iyo’y mahalin. Ang katulad kong umaasa na ika’y dumating. Sa aking puso at sana malayo ang marating,” pagkanta ni Will sa medyo mabagal na rap.


“Ika’y pangarap ko sa’king buhay. Sana’y tanggapin mo. Mahal kita simula pa nung una. Sana’y mahal mo rin ako. Dahil ikaw’y nagsilbing pag-asa at tanging ilaw sa’king mundo,” pagkanta naman ni baliw.


Pagkatapos kantahin iyon ni baliw ay biglang nagbago ang pag-strum nila ng gitara at sinimulan iyon ni Will. Ngayon ko lang nalaman na magaling pa lang kumanta ang baliw na ‘to. Hindi ko rin akalain na kakantahan niya ako. Wala kasi sa itsura niya.


“Panalangin ko sa habang buhay. Makapiling ka, makasama ka. ‘Yan ang panalangin ko at hindi papayag ang pusong ito. Mawala ka sa ‘king piling. Mahal ko iyong dinggin. Wala nang iba pang mas mahalaga. Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal’wa at sana nama’y makikinig ka. Kapag sa aking sasabihing minamahal kita.”


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now