5

1.2K 20 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 5
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

"Bakit hindi ka pa naliligo?"

"Pakialam mo ba!" sigaw ko sa kanya. “Wala kang pakialam! Hindi naman ikaw ang mamaho, eh!”

Kanina pa niya ako pinapaligo pero hindi ako sumusunod. Bakit ko naman siya susundin? Eh, hindi niya nga din ako sinusunod sa gusto ko. Kaya hindi ko rin siya susundin. ‘Tsaka wala naman kasi akong damit pangpalit kaya paano ako maliligo nito? Baliw din siya, eh. Baliw na nga bobo pa. Attorney ba talaga siya? Hindi yata siya nag-iisip ng matino, eh.

Ilang araw na din ako dito simula ng dalhin niya ako sa islang ito. Hanggang ngayon ay cwala pa din akong clue kung saan niya ako dinala. Kaming dalawa na lang ang nandito. Wala na 'yung apat niyang kaibigan na pinaglihi din yata sa yelo. Nasobrahan yata ang paglilihi ng mga Mama nila sa kanila kaya ganun na lang sila kalamig at nakakatakot din sila. . . sobra. Lahat ba ng mga kakilala ni baliw ay nakakatakot? Kapag ganun sila wala silang mahahanap na babaeng makakasam nila dahil nakakatakot talaga sila.

Wala man lang friendly na mukha? Lahat kasi ay nakakatakot. Siguro kapag napikon mo ang isa sa kanila ay may kalalagyan ka. Baka hindi ka na sikatan ng araw. Baka last na hininga mo na iyon bago mawala sa mundo.

"Hindi ba't gusto mong pakawalan kita?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang nabuhayn ako dahil doon at umasa. Napag-usapan na nga namin pala ito ng nakaraang linggo bago ako no'n mawalan ng malay sa dagat. Bakit nabanggit niya ulit iyan? Papakawalan na ba niya ako? Kung ganon, anong nakain niya?

"Hindi ba't gusto mong makawala to me? So you should magpakabait ka to me and follow ang lahat ng mga want ko," dagdag pa niya at pumunta siya sa closet upang kumuha ng damit.

Gusto kong matawa dahil simula ng makasama ko siya ay never ko pa siyang narinig na magsalita ng conyo. Ngayon lang. Hindi ko alam na may pagka-conyo pala ang baliw na ‘to. Hinagis niya ang damit na lingerie dress na naman sa akin. Iyan lang ang available na damit pangbabae dito sa bahay at wala ng iba. Wala naman na akong lagnat pero hindi ako sanay na magsuot ng ganung damit. Kahit nga ng nasa bahay ako ay hindi ako nagsusuot ng sexy na damit tapos siya papasuotin niya ako ng ganyan?

Mas pipiliin ko pang magsuot ng panlalaki na damit kaya magsuot ng ganung klase ng damit na para bang kinulang sa tela. Okey sana kung mga babae ang kasama ko tapos suot ko iyan, mas okey iyon. Pero si baliw ang kasama ko, wala akong tiwala sa kaniya.

"P-Pwede bang pahiram na lang ako ulit ng damit mo?" tanong ko sa kanya habang nandidiring nakatingin sa damit na binigay niya sa akin.

Siguro ginamit na ‘to? Lahat yata ng mga dinadala niyang mga babae dito ay ito ang pinapasuot niya para madaling mahubad kung sakali mang may kababalaghan silang gawin. 

"Big ang damit ko para sayo—"

"Wala akong pakialam." Pagpuputol ko sa kanya. Nagkasalubong ang kilay ko. Wala akong pakialam kung pangit ang itsura ko kapag ganun kalaki ang suot koo, at least may matino akong suot. "Siguro manyakis ka 'no? Kaya mo ako pinapasuot ng ganitong klaseng damit dahil in-imagine mo akong maghuhubad ako sa harapan mo. Iniisip mo siguro na may mangyayari sa atin kung ito ang susuotin ko ‘no? Woi, para sabihin ko sayo hindi na ako magpapatuhog sayo!"

Pang-aakusa ko sa kanya dahilan para magtaka ito sa sinasabi ko. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "What? What are you saying? What are you talking about?"

"Ito!" Pinakita ko sa kanya ang lingerie dress at hindi pa ako nakuntento dahil binato ko pa sa mukha niya. "Ito palagi ang pinapasuot mo sa akin. Manyakis ka 'no?! Kadiri ka! Bastos!"

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now