Chapter Three

7.3K 241 11
                                    

Outsider

Naramdaman ko ang malamig na pagdaan ng hangin which gave me shivers down my spine. Ang lamig-lamig, but at the same time I feel something warm enveloped my body. Pero hindi parin nito kayang painitin ang malamig na nararamdaman ko. Naramdaman ko rin ang paghinga ng taong hindi ko kilala malapit lang kung nasaan ako. I can feel slight amount of his emotions, pero sa sobrang liit ng emosyon na nararamdaman ko, it almost feels like that erson doesn't have any emotions at all.

Binuksan ko ang mga mata ko, ewan ko ba kung bakit pero hindi na ako nagulat nang natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa malambot na mga puting buhangin sa lupa ng kweba kung saan man ito. Pero dahil may buhangin, alam ko na malapit lang ako sa dalampasigan. Napansin ko rin ang isang kulay itim na cloak na nakatabon sa buong katawan ko. Ang kaninang sobrang basang mga damit ko ay ngayin unti-unti na ding natutuyo. Napaupo ako nang napansin ko na hindi ko magalaw ang mga kamay ko. Nakatali ito. Sobrang hisgpit ng tali na sumasakit na din ito, pero hindi ko ito matangal.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa may dulo ng kweba ang isang lalake. May kulay itim siyang buhok na nakasandal ang likod niya sa pader ng kweba. Mahimbing siyang natutulog. Sino siya? Hindi ko pa siya nakita dito sa South District. At parang nagmula naman siya sa ibang district. Pero kahit na nagmula siya sa ibang district, bakit niya naman ako tatalian?

Unti-unting namamatay ang apoy na nagsisilbing ilaw ang init namim dito sa kweba. We need more sticks. Sa sobrang lamig ng nararamdaman ko, kailangan kong mainitan ang katawan ko. Nilagay ko ang kamay ko sa itaas ng apoy. Kailangan kong makaalis dito, at kailangan kong makiha ang tali bago pa man tuluyang mamatay ang apoy.

"Are you planning on burning your hands?" Napatinghala ako at nakita ko yung lalake.

Tinabi niya ang kamay ko malayo sa apoy at dinagdagan ng mga sticks ito kaya mas lumakas pa ang apoy. He raised his hand, at sa isang iglap may lumabas na spear dito. So, he's got an ability too. Tinuon niya ang dulo ng spear sa kamay ko kung saan may tali. Wala manlang warning, agad niyang pinutol ang tali kaya hindi na masikip ang kamay ko. Nagiwan ng bakas ang tali, kaya sumasakit parin ito ng kaonti.

Nang tumingin ako sa kaniya, tinuro niya ang spear niya sa akin. Hindi ako natatakot kasi halos araw-araw na akong sanay sa mga ganiyan. Saka ko lamang naalala ang nangyari kanina. Tumingin ako sa labas at gabi na. Ilang oras ba ako natulog?

"What's your ability?" Tanong niya. Does he consider me as a threat? Well rest assure, hindi mo na kailangang gamitin ang spear mo kung sakaling magaway nga tayo dito. Your bare hands would be enough to beat me. I hugged my knees and looked at the ground playing with the sand.

"I can feel any emotions around me for as long as they're five meters away from me." He made his spear disappear.

Suddenly, my breathing went hard. My body is generating too much heat. I feel so hot inside. Kinuha ng lalake ang cloak niya at pinatong sa likod ko. He even touched my forehead that made me remember my brother.

"You're burning." He said. "Sobrang init ng katawan mo, is this your first time having a fever?" I nodded. Mula noon hindi oa ako nagkaroon ng lagnat.

"Medyo tumigil na ang ulan. Why don't you go home wherever your home is?"

"Ayaw ko munang bumalik."

"You'll die if you keep this up." Ganoon ba talaga kalala ang lagnat ko?

"I don't care. No one will care."

Medyo bumigat ang atmosphere. And at that moment, alam ko na naramdaman niya na may problema ako. Pero hindi niya tinanong, and I'm grateful just for that.

Magnus Academy: The Cursed BloodKde žijí příběhy. Začni objevovat