Chapter Seventy

2.9K 139 10
                                    

Deep Through The Unknown

That attack indeed finished the whole enemy, walang ni isang nakatakas sa mga matutulis na buto na parang spikes na tumubo sa ilalim ng lupa. All these... was because of George, and that odd energy. Hindi parin ito lumalabas sa isipan ko, I can't be mistaken. I only feel that kind of energy flow from the people back at the island. Looking at Freya, when I first felt her energy radiating around her, as if purposely attracting me, akala ko guni-guni ko lang yun. But this time, sigurado na ako na may kakaibang enerhiya ang mga taong ito.

Currently, the injured students are being treated somewhere several minutes after George pulled out his bones, at parang bumalik na ito sa lupa, back to his fingers. May ability siyang makontrol ang paghaba at paglakas ng mga buto sa katawan niya, at nilagay niya kanina ang mga kamay niya sa lupa para doon dumaan ang mga buto na pinapahaba at pinapalakas niya mula sa mga kamay niya. If you think about it, it actually pretty hurts.

Students set out a small camp just around the big house na siyang hindi naapektohan ng labanan kanina. Ang iba namang mga studyante na maayos ang kalagayan ay umikot sa area para malaman kung may natitira pa bang kalaban. And now, we're off to the next area.

"We've taken over this area, pero hindi ko parin makontact ang ibang teams mula sa ibang area." I heard Thane said while sitting on the chair, replenishing his energy, same as others. Habang ako naman ay nakatayo lang dito, nakasandal sa may pader, listening through the darker corner.

"Sa tingin niyo ba nakikipag-away pa sila? Should we send back up?" Tanong ni Sab sa kanila.

"Sending back-up na hindi pa natin alam ang sitwasyon nila ay hindi magandang ideya." Thane answered, exactly as my thoughts.

"George can just do it again then. Yung atake niya sa huli." Haya suggested. Not a bad idea, but I doubt the guy can even handle to use his ability right now.

But more importantly, kailangan ko ng umalis at tumungo sa area D. The fact the we already cleared this area should be enough for us to rest a bit, pero hindi ako makampante simula pa kanina. Mas dumadami lang ang mga tanong ko sa isip simula nang mapasali ako sa labang ito.

The rest needs to replenish their own energy at may mga sugat din sila, pero hindi ko na kailangan magpahinga. Somehow, their emotions are enough to fill in my own energy, at wala din naman akong mga sugat. Right, compared to the others, I may have been the only one who never actually did anything significant.

Nagpla-plano lang ako at umaasa sa iba para magtagumpay ito at makuha ang gusto ko. Now that I think of it, I'm actually pretty selfish. I act so distant, but I'm actually really dependent on others, aren't I? I sighed. Somehow, I'm frustrated.

Lumiko ako sa may isang hallway at binuksan ang bintana. A cold breeze met my face and it swayed away. Since when did it become so dark? Nawala nadin ang mga bitwin, natatakpan na ng mga ulap ang buwan. May masama akong palagay dito.

I jumped over the window, since hindi naman gaano kataas ang bahay na ito. It's a two-storey house at mukhang luma na ito. Then just before I could even jump through it, may naramdaman akong papalapit sa akin. As I turned around, I saw George there, standing behind me.

"You could have said something." Wika ko. He only shrugged.

"Um...i-ikaw lang y-yata ang nakakakita s-sa—akin..." he was trying too hard not to stutter at all. Ibang-iba siya kapag ginagamit niya ang ability niya.

"That's probably because I can feel your emotions." He looked at me as I met his gaze back. "You can say it's empathy."

"S-saan ka n-naman p-pupunta? You...s-should rest..." hindi niya na tinuloy dahil nakuha ko na ang sasabihin niya.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now