Chapter Eight

5.2K 175 7
                                    

Examination 1

He might never wake up? Anong ibig sabihin nito? How is that even possible? It's not that his brain is damaged somewhere. Pero paano kung totoo nga? Anong gagawin ko? Hindi naman magsisinungaling ang mga doktor tumgkol dito since wala naman silang makukuha sa akin. Pero wala parin akong maintindihan sa mga nangyayari.

"May nakuha po ba siyang damage sa—"

"I'm afraid that's not the case. His brain is perfectly fine, in fact, his body is nearly fine. Pero hindi namin malaman kung bakit ayaw niyang gumising."

"Paano kung natutulog lang siya? Please don't make assumptions such as this."

"Pero hindi kami nag a-assume iha. This hospital at least has five doctors who has a powerful healing ability, pero kahit anong gawin nila, hindi nila magawang malaman kung ano ang problema. The fact is, dapat nga ay patay na siya ngayon." Paano niya nasasabi yan ng derecho? I clenched my fists in anger.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"I didn't mean to say that in a bad way, pero nagamit niya na ang lahat niyang spiritual energy. You know that every human has spiritual energy, may ability ka man o wala, once that energy is drained completely from your body, mamamatay ka."

"You're saying that—"

"Yes. Ubos na ang spiritual energy niya, wala nang natira kahit one percent nito, kaya imposible siyang mabuhay. But look at him, he's breathing, he has pulses, maayos ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya, at higit sa lahat, tumitibok pa ang puso niya. But he's dead. Hindi na siya makakagising pa because he doesn't have any spiritual energy left in his body."

"Anong nangyayari? Wala pa akong narinig na ganito."

"Hindi lang ikaw iha. Lahat ng staff sa hospital ay pinaguusapan ito, at masama ito kung kakalat."

"Nagawa niyo na ba ang lahat?"

"Hindi pa namin nagagawa ang lahat lahat na makakaya namin. Clearly because hindi nga namin alam ang nangyayari. Pero may isang theory nga kaming naisip."

"At ano naman yun?"

"May isang bagay na nag su-supply sa katawan niya, or more like, kumukontrol sa katawan niya sa paghinga, sa pagdaloy ng dugo niya, at iba pa. In other words, something is controlling him to live, but completely dead." Hindi ko alam ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil buhay siya o magagalit dahil may isang bagay na kumukontrol sa buhay niya na para bang isa lang siyang materyal na bagay.

"Anyway, kung totoo nga ang nagawang theory namin, kailangang makita agad ang bagay na ito because one wrong move of this certain something, mamamatay nga talaga ang kaibigan mo. And if you want him to live, then kailangan paring mahanap ang bagay na ito para malaman kung ano ang problema at kung ano ang nangyayari."

Matapos niyang sabihin yun, lumbas na siya sa room. Hindi ko magawang tignan si Hoy ng derecho sa mukha, because a part of me says it's still my fault kung bakit naubos ang spiritual energy niya, dahil wala akong magawa kundi tignan lang siya sa tuwing pinoprotektahan niya ako. I hate myself for being very very weak. Walang kwenta ang ability ko, sobrang walang kwenta. Palaging problema lang ang dala nito. Palaging sakit lang. Palagi nalang akong pinapahirapan ng ability ko.

Ability to feel emotions? Tch. Not only it's not helpful, nakakaramdam din ako ng sakit kapag sobrang dami ng tao sa paligid ko, it brought me my greatest fear. At iyon ay takot makaramdam. But thanks to this ring my ability is limited to as far as five meters away.   Thanks to it hindi sumasakit sa tuwing nakakaramdam ako. And thanks to this ability, buhay si Hoy, pero patay naman siya. I feel very awful.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now